KINILIG ang marami sa mga RitKen fans nina Rita Daniela at Ken Chan dahil nagkaaminan na ang mga idolo nila sa kanilang bagong vlog.

ken at rita

Sa part 2 kasi ng Ritken series, itinanong ni Rita si Ken kung minsan na bang na-fall si Ken sa kanya? Noong una ay nag-alangan si Ken sa pagsagot ngunit napaamin din siya na totoong nagkaroon nga siya ng feelings para sa ka-love team. “Yes, simula pa noong magkasama tayo sa My Special Tatay.

Ang My Special Tatay ay top-rating afternoon prime drama series last year, na gumanap silang mag-asawa sa kabila na ang character ni Ken ay isang may mild intellectual disability at si Rita naman ay may palaban na character, pero sa kabila nito ay na-in love sila sa isa’t isa at nagkaanak sila ng baby boy.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Pero ang dalawa kapag tinatanong sa mga press visit nila sa set ng serye kung sila na bang dalawa dahil nakikita ang closeness nila sa isa’t isa, pareho silang nagdi-deny, best of friends at magka-love team lamang sila. Pero, nasundan pa ang My Special Tatay ng isang romantic-comedy series na One of the Baes. Nagkaroon pa sila ng recording together, ang Almusal.

Ano kaya ang naging sagot naman ni Rita sa sinabi ni Ken? Panoorin ang buong vlog sa YouTube channel ni Rita.

-NORA V. CALDERON