Nagdiwangng kanyang ika-31 kaarawan ang aktor na si Rayver Cruz Ilustre nitong Hulyo 20 pero sa pagkakataong ito ay apat lang silang nagselebra — ang kuya niyang si Rodjun at hipag na si Dianne, at ang girlfriend niyang si Janine Gutierrez na ginanap sa bahay ng mag-asawa.

janine at rayver

Kung dati-rati ay party hanggang madaling araw kung iselebra ni Rayver ang kanyang kaarawan kasama ang mga kaibigan ngayon ay hindi na dahil sa pandemya.

Pero mas masaya ang aktor ngayon dahil pamilya niya ang kasama at higit sa lahat, present ang babaeng mahal niya at gusto niyang makasama na sa buhay.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Wala pa sa plano nina Rayver at Janine ang kasal dahil pareho pa silang busy sa kanilang respective careers dahil okay na ang lahat ay kaliwa’t kanan ang projects nila sa GMA7.

Ang aktor naman ay mega-ipon na rin dahil gusto niyang magpatayo ng sarili niyang bahay para sa future family niya.

As of now ay ang All Out Sundays palang ang programa ngayon ni Rayver at sa kani-kanilang mga bahay sila nagso-show gamit ang zoom application.

—Reggee Bonoan