NAG-ENJOY ang mga fans ni phenomenal star Maine Mendoza sa interview sa kanya ng Zalora dahil maraming ibinahagi ang actress nang makausap siya sa bahay nila sa Sta. Maria, Bulacan.

maine

Three days lamang nagri-report si Maine sa longest-running noontime show, ang Eat Bulaga, sa APT Studios. Mondays to Wednesdays, live sila at after nilang mag-live nina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros at Alden Richards, nagti-tape naman sila ng mga episodes for Thursdays to Saturdays. Si Bossing Vic Sotto naman ay naka-online mula sa bahay nila ni Pauleen Luna na secretary naman ni Bossing.

Habang nasa bahay lamang si Maine, marami raw siyang naisip, isa rito ay ang magtayo ng sariling business, kapag natapos na ang pandemic.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Naglagay ako ng small office sa bahay namin at doon, marami akong naisip na gagawin bukod sa trabaho ko ngayon sa showbiz,” pahayag ni Maine. “Marami akong naisip at may nabuo na ako, pero hindi ko pa pwedeng sabihin dahil inaalam ko pa ang mga bagay-bagay para rito.”

Inamin ni Maine na nawili siya sa online shopping.

“Araw-araw nag-oorder ako kahit ano lamang gusto ko, kahit maliliit na bagay lamang. It keeps me sane na araw-araw ay naghihintay ako ng tawag ng delivery boy na may tatanggapin akong order from them.”

Sa online selling din kaya ipapasok ni Maine anuman ang business na itatayo niya. Sa ngayon, bukod sa “Eat Bulaga,” patuloy pa rin si Maine sa mga photo shoots niya ng mga nag-renew niyang endorsements. Looking forward na rin siya na magkaroon na sila ng taping ng fresh episodes ng Daddy’s Gurl nila ni Bossing Vic, miss na niya ang mga kasama nila sa sitcom.

-NORA V. CALDERON