SINAGOT ni Jennylyn Mercado ang comment ng isang netizen na “Gusto mo yata madamay! Gusto mo din yata mawalan ng trabaho! Sige lahat ng shows mo, endorsement mo, ima market namin para i-boycott!”

Sagot ni Jennylyn: “I know what I’m risking the moment i speak up.Walang mangyayari if you always play it safe. I will be forever grateful to the advertisers that supported and supports me. The decision to speak up is something that i will never forget.

Alam kong suportado ako ng home network ko a nagturo saking maging matatag at manindigan para sa tama.

Hindi ako makatulog sa gabi pag alam kong hindi ko nagamit ang aking boses para ipaglaban ang mga naapi at nawalan. Hindi kaya ng konsensya ko yun. Kung gusto niyo po akong i-boycott. Tanggap ko yun.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

May nag-suggest kay Jennylyn na mag-move on na siya sa nangyari sa ABS-CBN lalo na at hindi naman siya Kapamilya kundi Kapamilya.

Sagot ni Jennylyn, “To move on is to disregard the suffering of others” at sinundan ng mas mahaba pang post.

“Move on? Ano ‘to parang magsyota lang?

To move on is to forget.

Paano mo kakalimutan ang mga simpleng empleyado na paycheck to paycheck na ngayon wala ng pagkukunan ng pambili ng pagkain sa pamilya nila?

To move on is to accept.”

How heartless can you be to accept that thousands of our kababayans are now struggling to survive.

Tuloy pa rin ang laban para sa Bawat Pilipino.”

Marami ang nagugulat sa pagiging vocal ni Jennylyn ngayon dahil kilala nila ang lead actress ng Descendants of the Sun na tahimik, pero ngayon, nagre-react at nagsasalita kung ano sa paniwala niya ang tama. Kaya concern sa kanya ang kanyang supporters at pinayuhan siyang ‘wag nang magsalita na batay sa kanyang sagot, hindi nito susundin at patuloy siya magsasalita at magpapahayag ng saloobin.

-NITZ MIRALLES