HANGGA’T hindi pa naibabalik sa normal ang katayuan ang amateur sports, kabilang na ang swimming, ipinahayag ni two-time Olympian at SEA Games swimming record holder Eric Buhain na handa ang Congress Organization in Philippine Aquatics (COPA) Inc. na magsagawa ng mga programa para matulugan ang mga coaches, trainers at iba pang indibidwal sa sector ng sports na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

eric-buhain

“Actually, nabuo namin ang COPA kasama ang mga kapwa ko swimming coaches at mga kaibigan bago pumutok ang COVID-19. Kasama sa programa namin ang magsagawa ng training at seminars, but with COVID-19 pandemic, natuon ang pansin namin sa fund-raising para matulungan natin ang ating mga kasama na umaasa sa swimming,” pahayag ni Buhain.

Bukod sa maliit na halagang ayuda, gumagawa na rin ng programa ang COPA para mabigyan ng ‘loan’ ang mga swimming coaches and trainor para sa sisimulang maliit na negosyo tulad ng online selling para masustinahan ang kanilang kabuhayan.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Natutuwa kami at marami tayong mga kaibigan na talagang nagbigay ng tulong, so far mahigit 500 swimming group na ang tumutulong sa COPA. Yung unity and malasakit buhay na buhay sa swimming community,” sambit ni Buhain sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ via zoom sa pamamagitan ng Sports on Air at livestream sa YouTube at Facebook.

Sa kasalukuyan, suportado ni Buhain ang panawagan ng swimming community na maaprubahan ng Inter-Agency Task Force ang pagbabalik ng swimming hindi lamang para sa kabuhayan bagkus sa katatagan ng mga atleta.

“May mga pag-aaral naman na talagang nagsasabi, mismong DOH sinabi na namamatay ang virus sa tubig na may chlorine which is matatagpuan sa tubig sa swimming pool. Under strict health protocol, kaya naman na maibalik na ang swimming,” sambit ni Buhain.

“Itong swimming sports naman hindi yung magtatalunan at magsasama ang mga bata. Per lane naman ito, isang swimmer per lane at salubungan. Besides, dadaan sila sa rapid test before sumabak kaya mababa ang tsansa sa hawaan,” ayon kay Buhain sa sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) at PAGCOR.

“We have to be positive, I think ito rin ang thinking ng lahat ng kapwa ko atleta lalo na yung mga nag-qualified na sa Tokyo Olympics,” aniya.

-Edwin Rollon