BILANG bahagi ng pagdiriwang sa ika-6 na anibersaryo, naghatid ng bagong saya at tulong ang foodpanda, ang nangungunang food delivery service sa bansa, sa mga komunidad sa Makati City, Taguig City, at Quezon City sa Luzon, Cebu City sa Visayas, at Davao City sa Mindanao.
Sa pakikiisa at malasakit ng mga foodpanda employees at riders, sa pakikipagtulungan ng Philippine Army, at local government units, naipamahagi ng foodpanda, sa pamamagitan ng ‘shops’ ang mga grocery packages na naglalaman ng premium quality rice, canned goods, instant coffee, instant noodles, at cooking oil para sa mga frontliners. Kabilang sa nabigyan ng ayuda yaong mga miyembro ng emergency team responders, quarantine center personnel, garbage collectors, at street sweepers.
Sa mga nakalipas na araw, naiparating din ng foodpanda ang tulong sa mga healthcare institutions sa kasagsagan enhanced community quarantine at ngayong napapaluwag na ang COVID-19 restriction, tuloy ang arangakada ng food delivery service upang matugunan ang pangangailangan ng pamilyang Pinoy.
“Being on the frontlines of this pandemic and operating through ECQ and GCQ has opened our eyes to the plight of our fellow frontliners. Just as we value our riders who brave the streets every day, we wanted to show our appreciation for our quarantine center staff, garbage collectors and street sweepers who are literally keeping the country together. At a time like this, we, at foodpanda, believe it’s important to celebrate a milestone such as a 6th anniversary by sharing our blessings to these heroes,” pahayag ni foodpanda Philippines Managing Director Daniel Marogy.
Walang patid ang serbisyo ng foodpanda batay sa ipinatutupad na safety at health protocol ng pamahalaan upang matugunan at maibigay ang mga kailangang pagkain, medisina at iba pang essentials sa kanilang mga tahanan.