BAGO pa man ibaba ang hatol na hindi bibigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN ay nagbigay na ng suporta si Senadora Nancy Binay na dapat i-renew sila o hindi dapat sila ipasara bilang pinakamalaking istasyon sa Pilipinas.

Hindi naman nito itinanggi na nagkaroon na rin silang pamilya ng tampo sa ABS-CBN dahil lagi silang nababatikos noon at maging siya ay biktima rin ng katatawanang pagbabalita lalo’t pinupuna ang kanyang kasuotan at make-up sa tuwing may SONA.

Pero para sa senadora ay hindi dapat ito pine-personal dahil ginagawa lang din ng news department ng ABS-CBN ang kanilang trabaho.

At nitong Biyernes Hulyo 10, ang araw at petsang hindi malilimutan sa kasaysayan ng Philippine television ay nagbigay ng saloobin niya si Senadora Nancy Binay.“The die may have been cast, but it’s never the end.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“To the ABS-CBN Family, what hurts you today will make you even stronger tomorrow,”

“They may have shut down (ABS-CBN) cameras, but the people now see things brighter through many new lenses.

“Sa pagpapahinga sa ere ng ABS-CBN, higit na kailangan ng taumbayan ang mas malakas na boses para gisingin ang mga nagtutulog-tulugan, at sigawan ang mga nagbibingi-bingihan.”

Hindi pinangalanan ng senadora kung sino ang mga nagtutulug-tulugan at nagbibingi-bingihan.

Maging ang naging problema sa traditional jeepneys na hindi pinayagang bumiyahe sa panahon ng Covid19 pandemic sanhi ng pagkagutom ng maraming drivers na dumatng pa sa puntong namamalimos na sila sa daan na hindi naman dapat kung pinayagang bumiyahe sana sila.

“Narinig pero hindi pinagkinggan.”

Nabanggit din na dapat hindi ginamit ang personal nag alit sa franchise hearing.

“I share the hurt and heartbreaks in every Filipino home, and the tears of more than 11,000 workers who were denied of hope.

“Sa ngayon, tinapos na po nila (Kongreso) ang palabas. Inilabas na wala nang palabas.

“But consider everything as a pause or an intermission. Tulad ng radyo’t telebisyon, ipanalangin nating maibalik ang inyong mga paboritong programa makalipas itong malungkot na patalastas,”pahayag ni Sen Nancy.

-Reggee Bonoan