Umapela si Senador Nancy Binay sa jail authorities at prosecutors na payagan munang palayaing pansamantala ang isang political detainee na nanganak at ilagay sa isang corona virus disease (COVID)-free na lugar upang mapangalagaan ang mga ito.

Si Reina Mae Asis Nasino, nagluwal ng sanggol noong Hulyo 1, sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Maynila, at agad na ibinalik kinabukasan sa Manila City Jail (MCJ) Female Dorm kung saan may 19 kaso ng virus.

Si Nasino ay kabilang sa tatlong human rights activists na naaresto sa Tondo, Maynila noong Nobyembre 2019 at nahaharap sa kasong illegal possession of firearms.

“Poorly-ventilated, overcrowded and cramped detention cells are one of the many coronavirus flashpoints. Sa kondisyon at sitwasyon ni Reina May at ng kanyang baby, prone silang mag-ina sa infection sa piitan. There are alternative ways of isolation or confinement outside of prison for those nursing their newborn child. Kaya po I am appealing for greater compassion from the BJMP and the courts--for the best interest of both mother and the baby--to move them to a safer government-run facility or even a home for single mothers run by NGOs or a faith-based institution where their healthcare needs are taken care of,” sabi ni Binay.

National

Halaga ng piso, inaasahang hihina sa bagong record-low kontra dolyar

-Leonel Abasola