MATAGUMPAY ang naging pagdiriwang ng Philippine Olympic Committee (POC) sa Olympic Day kamakailan.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na isinagawa ang taunang selebrasyon sa pamamagitan ng online, bunsod ng kasalukuyang quarantine na ipinapatupad sa bansa sanhi ng COVID-19.
Ibinahagi ni POC pesident Abraham 'Bambol' Tolentino ang kahalagahan ng pagdiriwang ng Olympic Day sa kabila ng kasalukuyang pandemya.
"The only way to lose the battle against the pandemic is to lie back and allow it to consume us. Those of is in the Olympic movement must not let this happen. We must be educated on how to fight it. And the first thing to do is be active, healthy and strong. Just like our Athletes," pahayag ni Tolentino.
Sinabi ni Tolentino na handang pangunahan ng POC ang pangangailangan upang makaiwas sa nasabing sakit at mapanatili ang kalusugan at kaligtasan l ng mga atleta.
"The POC will lead the way. I urge all our Athletes to take part and invite as many as possible to join us and make this Olympic day celebration active, productive and successful. Happy Olympic Day!" ani Tolentino.
Samantala, naipamahagi na ng POC ang unang 100 bisikleta na kanilang naipangako para sa mga national athletes upang magamit ngayong darating na 'new normal'.
Bukod dito, nagpamahagi rin ng face masks ang nasabing kumite sa mga nakatanggap ng bisikleta, habang nauna dito ay sinabi ni Tolentino na may kasunod pang 200 bisikleta ang nakatakda nilang ipamigay para sa susunod na batch ng mga National Athletes.
"Ang cut off kasi talaga is 280 National Athletes na mabibigyan ng mga bikes. So Ginawa na naming 300,para lahat mabigyan. Of course yung may mga kotse hindi na kasali," paglilinaw ni Tolentino. ANNIE ABAD