ITATALAGA bilang Officer-In-Charge ng Philippine Sports Commission (PSC) si Commissioner Ramon ‘El Presidente’ Fernandez habang nakabakasyon si Chairman William Ramirez.

Epektibo ang pagiging OIC ng dating 4-time PBA simula sa Hulyo 1, ayon sa inisyal na pahayag ng ilang source sa ahensiya.

Liliban pansamantala sa kanyang tungkulin si Ramirez upang maalagaan ang kanyang maybahay na si Mercy na may iniindang karamdaman.

Kaugnay nito ay ipinaubaya na rin ni Ramirez sa Malacañang ang desisyon sa pagpili kung sino ang pansamantalang tatayong officer-in-charge para sa sports agency.

National

Kahit nagpapagaling: Doc Willie Ong, pinapanalanging maging maayos na sina PBBM at VP Sara

Sa pamamagitan ni Executive Secretary Salvador Medialdea nagpadala ng liham kay Pangulong Rodrigo Duterte si Ramirez noong nakaraang linggo matapos maoperahan ang kanyang maybahay sa apdo.

“I am availing of this sick leave because I have to attend to the medical needs of my wife. She is in dire need of my personal care and full attention,” ayon sa nilalaman ng liham ni Ramirez.

“In the meantime, may I respectfully request for the designation of an OIC, from among the commissioners of the PSC, who will manage the day-to-day operations during my leave of absence and in order not to disrupt the operation of the PSC,” dagdag nito.

Nakatakdang magbalik si Ramirez sa Hulyo 20. MARIVIC AWITAN