MANANATILI pa ring head coach ng Ateneo de Manila men's basketball team si Tab Baldwin.

Lumabas ang balita matapos kumpirmahin ni TNT team manager Gabby Cui nitong Huwebes na tinanggal na sa coaching staff ng TNT si Baldwin.

Ngunit, nilinaw nito na ang pagsibak kay Baldwin ay malaon na nilang ginawa bago pa ipatupad ang quarantine sanhi ng COVID-19 pandemic at hindi dahil sa mga naging komento nito kontra sa PBA partikular sa mga coaches ng liga sa isang video podcast.

Gayunman, mananatili pa rin si Baldwin na pinagmulta ng PBA ng P75,000 bilang head coach ng Ateneo Blue Eagles ayon na rin kay Ateneo Athletics director Emmanuel Fernandez.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Bukod sa pagiging mentor pa rin ng Blue Eagles, mananatili pa rin si Baldwin bilang Samahang Basketbol ng Pilipinas' (SPB) Gilas Pilipinas program director.

“Coach Tab will be focusing on his coaching chores in Ateneo and his role in SBP,” ayon kay Cui na sya ring Gilas team manager.

Taong 2015 nang dumating ng bansa si Baldwin matapos kunin bilang Gilas head coach.  MARIVIC AWITAN