NASUNGKIT ni Fide Master (FM) Alekhine "Bbking" Nouri ang kampeonato sa Espana Chess club online chess via tiebreak nitong Miyerkoles sa lichess.org.
Ang 14-anyos na si Nouri ay nakisalo sa first-second places kay Arena Grandmaster (AGM) Henry Roger Lopez na may tig 8.5 points sa 2 minutes plus one minute time control event na inorganisa ni Espana Chess Club top honcho engineer Ernie Fetisan Faeldonia.
Si Nouri ay sariwa pa sa magnificent performance sa BATCH-Barangays Achieving Through Chess nitong Hunyo 22 na suportado ni BATCH Founder at dating NCFP Director Eduardo "Ed" Madrid sa pakikipagtulungan ng Makati City Central Eagles Club at ng Rublou Group of Companies.
Dahil sa mataas ang tiebreak point ay nakamit ni Nouri titulo habang nagkasya si Lopez sa second place.
Kabilang sa mga nakapasok sa top 10 ay sina Rowel Roque (3rd); Rudolph Valentino (4th); Jaymarc Gutierrez (5th); National Master (NM) Jasper Rom (6th); Jhulo Goloran (7th); Alfredo Balquin Jr. (8th); National Master (NM) Gerardo "Gerry" Cabellon (9th); at Genghis Imperial (10th).
May special awards sa recent free registration tournament were Arena Grandmaster (AGM) Marlon Bernardino (Top 2000 below); (Vincent Constantino) Top 1800 below; Ericka Ordizo;( Top U12); Luzzel Dacayo (Top Lady); at James Infiesto (Top PWD).
Samantala, muling magpapatuloy ang 7th BATCH-Barangays Achieving Through Chess sa Sabado, Hunyo 27 ganap 8pm. Hanapin si coach Alvin B. Yen sa kanyang mobile number: 0943-6624875 para sa karagdagang detalye.