HINDI man sa NBA, matutupad ni dating Ateneo ace Thirdy Ravena ang pangarap na makalaro sa international pro league.

Ipinahayag ng B.League, pangunahing professional basketball league sa Japan, sa official website nitong Miyerkoles, na kukunin ang serbisyo ni Ravena sa pamamagitan ng kanilang Asian Player Quota.

Lalaro ang 6-foot-2 swingman at UAAP 3-time Finals Most Valuable Player para sa B.League 3-time league champions San-en NeoPhoenix.

Ang Asian Player Quota ay inisyatibo ng liga upang mas mapahusay pang lalo ang kapasidad ng kanilang mga local players sa pamamagitan ng pagtatapat sa kanila sa ibang Asian players sa kanilang mga laro.

National

Disyembre 26, 2024 hindi idedeklara bilang holiday – Malacañang

“B.League has engaged communication with foreign countries to promote internationalization since the first season in 2016. We are very pleased to welcome Ravena to B.League for the first year of Asian player quotas. We will continue to collaborate and cooperate with Asian partners to develop basketball in Asia,” pahayag ng pamunuan ng San-en Neophoenix.

Si Ravena ang unang Filipino na maglalaro sa Japan B.League.

Ang kasalukuyang coach ng San-en ay kaibigan ni Ateneo coach Tab Baldwin na si Branislav Vićentić.  MARIVIC AWITAN