POSIBLENG madagdagan pa ang naunang deklarasyon ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) na pagdaraos ng apat na mandatory events sa Season 96 sa susunod na taon.

Ayon kay Season 96 Management Committee (ManCom) chairman Fr. Vic Calvo, OP ng Letran, kinukunsidera nilang magdagdag ng mga sports na hindi kinakailangan ng physical contact gaya ng tennis, chess, badminton, table tennis at maging esports.

Nauna na nilang inihayag na ang apat na mandatory sports lamang na basketball, volleyball, track and field at swimming ang mga events na idaraos sa pinaikling season na iniurong ng Marso 2021 ang opening dahil sa COVID-19 pandemic.

“Hindi naman tayo talaga naka-fix. We are fluid. We are on serving kung ano ‘yung sitwasyon para matuloy ‘yung NCAA,” ayon naman kay Season 95 ManCom chairman Peter Cayco ng Arellano.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“We’re a living organism. Hindi naman patay ang NCAA.”

Ayon pa kay Calvo, paguusapan pa ng ManCom kung mag-aaward ng general championship sa pinaikling Season 96.

“Hindi pa siya na-discuss. We’ll cross the bridge when we get there,” anang long-time Letran athletic director.

“Premature pa as of now.”

Samantala, naka depende pa rin aniya sa sitwasyon ang magaganap sa Season 96.

“Depende sa situwasyon, eh. We don’t know what will happen between now and March 2021.”  MARIVIC AWITAN