MANANATILING postponed ang PBA 3×3 tournament kahit pa matuloy na ang pagbabalik ng liga sa Oktubre.

Ayon sa inilabas na artikulo sa website ng liga, pinagtutuunan ng pansin ng PBA ang makabalik sa ensayo lahat ng kanilang 12 miyembrong teams dahil hangad nilang matuloy na ang resumption ng mga laro sa Philippine Cup sa Oktubre matapos ito matigil dahil sa COVID-19 pandemic.

Kasama ng 3×3 competition, nagdesisyon na rin ang PBA na kanselahin na rin ang All-Star festivities at ang dalawang import conferences.

Ayon kay Deputy Commissioner Eric Castro, balak ng liga na ilunsad ang 3×3 competition sa 2021.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Dapat magsisimula na ang 3×3 Philippine Cup,pero siguro next year na lang,” ani Castro. “Tingnan na lang natin kung kailan puwede.   MARIVIC AWITAN