HANGAD ng San Miguel Corporation na masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga kapamilya sa Philippine Basketball Association sa panahon ng krisis dulot ng coronavirus.

pba

Kaya naman ang lahat ng 41 mga empleyado ng liga sa pangunguna ni Commissioner Willie Marcial ay ipasasailalim sa libreng COVID-19 testing sa kagandahang loob mismo ni SMC President and CEO Ramon S. Ang.

Namumuno sa pagtulong sa pamahalaan para mapigilan ang pagkalat ng pandemic, kamakailan ay nagkaloob ang SMC ng mga testing booths at kits sa lahat ng 17 Local Government Units sa National Capital Region (NCR).

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Namahagi rin ang kompanyang nagmamay-ari ng mga koponang San Miguel, Magnolia at Barangay Ginebra ng mga RT-PCR testing machines at automate RNA machines sa mga pangunahing pagamutan ng gobyerno.

Kaugnay nito, nagtungo si Barangay Ginebra board of governor at SMC sports director Alfrancis Chua sa PBA office nitong Lunes para sa pagpupulong ng league Management Committee, ipinaalam nito sa PBA board ang alok ni Ang  para sa lahat ng mga regular na empleyado ng  PBA para sa libreng COVID-19 testing.

“Pinapaabot namin ang taos-pusong pasasalamat kay SMC President Ramon Ang sa malaking tulong na kanyang ibinabahagi upang matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng mga empleyado ng PBA,” pahayag ni Marcial.

Isasagawa ang COVID-19 testing sa  San Miguel headquarters sa Ortigas Center.  MARIVIC AWITAN