LUBOS ang pasasalamat ni Asian Para Games gold medalist Ernie Gawilan sa Philippine Sports Commission (PSC) sa patuloy na pagsuporta sa Para athletes o differently abled athlete.

"Napakabuti po ng kalooban ni Chairman Ramirez, pati na po ang mga Commissioners at mga staff niya po. Hindi po nila kami pinababayaan pati na po ng NSA po namin, " pahayag ng 29-anyos swimming champion.

GAWILAN

GAWILAN

Inamin naman ng tubong-Davao na nanghinayang siya nang tuluyan nang makansela ang 10th ASEAN Para Games na dapat sana ay nakatakda ngayong taon, ngunit sanhi ng panganib na dulot ng Coronavirus, minabuti ng mga kinauukulan na kanselahin ang hosting.

'Impeach Sara!' Ilang progresibong grupo nagkilos protesta sa harap ng Kamara

"Nanghinayang din po. Kasi pagkakataon din po sana ng mga baguhan na makapagpakita  ng kanilang galing sa sports pero sa kasamaang palad nga po ay naknsela dahil po sa COVID-19,” aniya.

Ngunit, alam naman umano ng mga atleta na ang kaligtasan lamang ang habol ng mga kinuukulan.

"Wala naman pong may gusto nitong nangyayari  at kahit ayaw sana natin pero kailangan po nating tanggapin kailangan po kasi buhay po ang nakataya dito, " ayon  pa kay Gawilan.

Ito sana ang ikalawang beses ng kanyang pagsabak naman sa Paralympic kung saan una siyang sumabak noong 2016.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang paghahanda kahit walang kompetisyon upang makondisyon ang kanyang katawan.

Si Gawilan ang unang nag-uwi ng gintong medalya buhat sa Asian Para Games at siya rin ang kauna-unahang Pinoy Para athlete na dapat sana ay magiging flag bearer sa gaganaping Paralympic kung matutuloy sa susunod na taon. ANNIE ABAD