TULOY ang PBA Rookie Draft matuloy man o hindi ang naudlot na aksiyon ng PBA 45th Season dahil sa COVID-19.
“We’ll still discuss the details but the rookie draft will either be in December or January,” pahayag ni PBA commissioner Willie Marcial.
At kung magpapatuloy ang kasalukuyang sitwasyon kung saan ipinagbabawal ang mga "mass gatherings", nabaguhin ng PBA ang nakagawiang pagtitipon ng lahat ng mga draft hopefuls at ng mga PBA teams para sa Season 46 draft.
“Depende, kasi siguro by that time maybe e puwede na ang mass gathering. Pero kung hindi pa rin, puwedeng gawin virtually o kaya gaya ng ginagawa namin sa D-League draft na di kailangang present yung mga players.”
Pag-uusapan din aniya ang iba pang mga detalye gaya ng isa sa mga requirement sa mga PBA applicants na kinakailangang makapaglaro sa D-League.
“E wala kasing D-League kaya maaaring di na gawing pre-requisite yun sa draft. Isa yun sa titingnan namin,” sambit ni Marcial. MARIVIC AWITAN