PORMAL nang kinansela ng Philippine Sports Commission (PSC) ang lahat grassroots multi-sports events ng ahensiya ngayong taon.

psc

Hindi na lalaruin ngayong taon ang Philippine National Games (PNG)  at Philippine Youth Games-Batang Pinoy (PYG-BP) bunsod nang mapamuksang Coronavirus (COVID-19).

Kamakailan, sinabi ni PNG at PYG-BP project director Atty. Guillermo Iroy Jr., tumatayo ring Deputy Executive Director ng ahensiya, na kanselado ang dalawang malaking sports events dahil patuloy ang banta ng COVID-19.

Eleksyon

Iba ang naboto? OFW sa Singapore, kinwestiyon lumabas na resulta matapos bumoto online

Hindi mapapalagay aniya ang pamahalaan kahit pa bawiin na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) at mailgay sa GCE o General Community Quarantine  ang Metro Manila para iataya ang kalusugan ng mga atleta at opisyal.

"With the official declaration of the World Health Organization ( WHO) of the Covid-19 outbreak as a global pandemic, the Presidential Proclamation No. 922 declaring a State of Public Health Emergency throughout the Philippines, The Executive Order 112, 2020 through Inter-Agency Task Force (IATF) for the management of Emerging Infectious Disease Resolution No. 33 inposing Enhanced Community Quarantine (ECQ) and General Community Quarantine ( GCQ) in certain areas and the evolving of Covid-19 situation in the country, the Philippine Sports Commission (PSC)  inform the public that Philippine National Games (PNG) and Philippine Youth Games- Batang Pinoy (PYG-BP) for the 2020 calendar has been CANCELLED, "pahayag ni Iroy. ANNIE ABAD