NAKAMIT ni International Master (IM) Daniel Maravilla Quizon ang titulo sa furth leg ng first Philippine National Bullet Chess Championships online tournament nitong Abril 11.
Ang 15-anyos na si Quizon, top player ng Dasmariñas Chess Academy under ng leadership nina Rep. Elpidio "Pidi" Barzaga at national coach International Master (IM) Roel Abelgas, ay nakapagtala ng 83 Arena points para makopo ang korona.
Ating magugunita na si Quizon ding ang naghari sa Rising Phoenix International Chess Championship 2020 na punong abala si Rising Phoenix Chess Academy Owner/Managing Director International Master (IM) Joel "Cholo" Banawa at ng 1st All Dasmarinas Online Blitz (five minutes) Chess Tournament.
Bida din si Reigning National Open champion United States based Grandmaster (GM) Rogelio "Banjo" Barcenilla Jr., winner ng inaugural leg ng online series na lumagay sa 2nd place matapos makaipon ng Arena 82 points habang si International Master (IM) Joel Pimentel mula Bacolod City ay nagtapos ng 3rd place na may Arena 81 points.
Ang online chess tournament ay isinagawa para mapagpatuloy ang program ng National Chess Federation of the Philippines sa mga atleta ngayon panahon ng coronavirus (COVID-19) na suportado mismo ni NCFP chairman/president Rep. Prospero "Butch" Arreza Pichay Jr. na inorganisa naman ni NCFP executive director Atty. Cliburn Anthony Orbe.
"Congratulations to the winners of our 4th leg! We made another record number of participants at 523! The field is so strong!!!! hirap makapuntos talaga grabe. I guess I should be happy with my 52nd place, but i know I can do better. IM Daniel Maravilla Quizon is the champion this time around, followed by GM Rogelio Barcenilla at second and IM Joel Pimentel at third place! " sabi ni tournament organizer NCFP executive director Atty. Cliburn Anthony Orbe.
Ang mga nakapasok sa top 10 ay sina 4th Chester Neil Reyes, 5th Grandmaster (GM) Darwin Laylo, 6th Sherwin Tiu, 7th Fide Master (FM) Arden Reyes, 8th Karl Victor Ochoa, 9th National Master (NM) Jayson Bullanday Salubre at 10th Ellan Asuella.