NILINAW ni Ruby Rodriguez sa pamamagitan ng isang tweet ang tunay na kalagayan ng kanyang kapatid.

“I have been quiet all this time about Dr. Sally Gatchalian status. Yes she is my sister. Yes she is confined. Yes we all are praying and scared. But when Fake News spreads and people texting me Condolences. I ask Please she is fighting! She is weak but stable. Please.”

Isa kasi si Dr. Sally sa mga frontliners na nahawaan ng kanilang pasyente na may COVID-19 kaya nagkasakit na rin. Ang hindi maganda, buhay pa ang doctor at balita nga ni Ruby, lumalaban ang kanyang kapatid pero nababalita ng pumanaw.

May nakita pa nga kami sa Facebook na kasama ang photo ni Dr. Sally sa frontliners na namatay na raw na fake news naman pala.

Tsika at Intriga

Julia, Coco kumuha raw ng property sa Spain; doon na nga ba maninirahan?

Ipagdasal nating gumaling ang mga doctor at nurses at medical personnel na nagkasakit na rin ng COVID-19 at ipagdasal nating hindi na sila madagdagan pa. Ipagdasal na rin natin na wala nang dumagdag sa mga infected

-NITZ MIRALLES