BASE sa pinost ni Erin Diaz sa kanyang Youtube channel kahapon, Lunes na may 4,9K subscribers ay tumawag ang amang si Ogie Diaz sa kaibigang lalaki na kasama ng anak at tinanong kung magkasama sila na um-oo naman ang guy.

Ogie

“Opo, hinihintay ka po namin,” sabi ng guy na sinagot ni Ogie, “bakit ninyo ako hinihintay, may usapan ba tayo?”

Tinanong ni Erin kung kinakabahan ang kaibigang lalaki at sumagot ng, “medyo.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hanggang sa dumating na sila ng bahay at si Ogie ay seryosong nakaupo sa dining table at hinihintay ang anak habang may nakahaing suman sa harapan niya na parang ngayon palang siya kakain.

Napaiyak si Erin at sinabing sa ganitong edad, paano kung magkaka-apo ka na?”

Yumuko si Ogie at pumikit at ilang beses hinimas ang mukha, sabay tanong sa kaibigang lalaki ng anak, “anong nangyari Tom?”

Sabay hagis ni Ogie ng mga suman at sinabing, “mga hayop kayo” sa kumukuha ng video dahil nalamang prank lang pala.

Ang binabanggit na apo ni Erin ay isang aso na binili niya at pinangalanang Frankie ni Ogie dahil nga na-prank siya.

Kakuntsaba ni Erin ang inang si Georgette na base sa kuwento ni Erin ay nakita niyang napaiyak din kaya mas lalo siyang naiyak.

At dahil napaniwala ni Erin ang ama ay sabay tanong kung puwede na siyang mag-artista na matagal ng gusto ng dalaga pero bilin ni Ogie na mag-aral muna ang anak dahil mas maganda kung may tinapos.

Sabi ni Erin, “hindi ako magkakaanak, huwag kang mag-alala.”

“Tatampalin kita, wala ka pang nararating sa buhay, gaga ka!” sambit ni Ogie.

“Ano dad, ano masasabi mo?” balik-tanong ni Erin sa ama

“Ang galing mo umarte ‘no? Gago ka, pati ‘tong suman tuloy naiano ko (nabato).” Saad ni Ogie.

Naglabasan naman sa kani-kanilang kuwarto ang apat na babae pang anak nina Ogie at Georgette na nagulat at natatawa na rin sa ginawa ng ate nilang tawa ng tawa.

Sabi pa ni Ogie, “alam mo pag dumating ‘yung time na buntis ka hindi na ako maniniwala. Huwag mong pangyarihin hangga’t wala ka pang nararating sa buhay. Parati kong sinasabi sa mga bata (alagang artista) ‘yan na kapag ikaw nabuntis hindi mon a mababalik ‘yung dating buhay mo. Kaya dapat sagarin ninyo ang kabataan ninyo.

“Dahil kapag dumating ‘yung time na kayo ay magse-settle down, ‘yun na. I always remind my kids na laging mag iingat, huwag lalampas sa guhit dahil kapag lumampas ang resulta, dalawang guhit (sabay-sabay na sabi ng mga anak).”

Ipinakita rin ni Erin ang mensahe sa kanya ng ama, “Anak, thank you dahil prank lang. Pero kung mabubuntis ka man, ‘yung may stable job ka naman at kaya mon a kaming iwan kasi kaya mon a,” ito ang mensahe ng talent manager na si Ogie Diaz sa panganay niyang si Erin.

Samantala, inamin ni Ogie na nanginig siya sa galit nang marinig niya na magkaka-apo na siya.

-REGGEE BONOAN