NA-EXCITE si Kapuso actor Benjamin Alves nang magkaroon sila ng story conference ng bago niyang project sa GMA Network Public Affairs, ang Owe My Love.

Benjamin & Lovi - Owe My Love

“Nakakatuwa at hindi ako makapaniwala na sa bago kong project, muli kong makakasama, after five years, ang first leading lady ko, si Lovi Poe,” kuwento ni Benj. “Huli pa naming project ang Beautiful Strangers in 2015. Drama series ito na nakasama namin sina Heart Evangelista, Rocco Nacino, Dina Bonnevie, Christopher de Leon. Pero this time na muli kaming magtatambal, this will be a riot dahil star-studded comedians ang makakasama namin at nakakatuwa dahil magpapatawa naman kami, hindi magda-drama. Magiging comedians na rin kami ni Lovi.”

Ikinai-excite naman ni Lovi, for the first tme ay makakatrabaho niya ang comedy legend na si Ms. Ai Ai delas Alas.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Bukod sa kanilang tatlo, ang comedy series ay magtatampok din kina Winwyn Marquez, Leo Martinez, Nova Villa, Ruby Rodriguez, Ryan Eigenmann, Jackie Lou Blanco. Makakasama pa rin nila ang iba pang comedians, sina Long Mejia (balik-GMA na ba siya?), Pekto Nacua, Brod Pete, Divine Tetay, Donita Nose, Jason Francisco, Kiray Celis, Buboy Villar (paborito ng GMA Network Public Affairs, panglima na yata niya itong serye sa kanila), Mahal, Jon Gutierrez a.k.a. King Badjer ng Ex-Battalion, at muli silang magkakatrabaho ni Ai Ai, Jelai Andres at ang child star na si Angel Velasco.

Usually ay on location ang GMA Public Affairs, pero wala pang balita kung saan sila magti-taping at kung saang time slot sa primetime ito papasok.

-NORA V. CALDERON