Narinigna namin ang first single ni phenomenal star Maine Mendoza sa Universal Records, ang Parang Kailan Lang nang lumabas ito last February 24. Maganda ang melody at lyrics ng song at bagay na bagay sa boses ni Maine. Matagal itong hinintay ng kanyang fans dahil halos two years in the making ang recording. Nagkasunud-sunod kasi ang work ni Maine after pumirma siya ng contract sa Universal Records PH at since siya ang sumulat ng lyrics ng songs, hindi agad ito nai-record.
Kaya naman nang lumabas na ito, madaling nakapag-order ang mga fans sa iTunes at umakyat agad ito sa number one.
Ang Parang Kailan Lang ay kasunod ng unang single na ginawa ni Maine, ang theme song ng movie nila ni Alden Richards na Imagine You & Me na siya rin ang sumulat ng lyrics pero music ni Vic Sotto at ni-record niya for Eat Bulaga.
Sa March 20 ang launch ng Parang Kailan Lang.
Kaya naman fiesta ang mga fans ni Maine dahil, bukod sa paglabas ng first single niya, ini-launch na rin ang kanyang bagong color ng lipstick at lip glass niya ng MACMaker/Maine Mendoza.
Pangalawang beses na ito ni Maine na gumawa ng sariling color ng lipstrick niya at nakapangalan sa kanya ‘Maine.’ Bago ang birthday ni Maine sa March 3, ilo-launch na ang lipstick sa March 1 na magaganap sa SM Megamall.
-Nora V. Calderon