NATUPAD na ang hinihintay ni Kapuso break out star na si Kyline Alcantara na makasama na sa eksena ng GMA Afternoon Prime na Bilangin ang Bituin sa Langit, ang hinahangaang Superstar, si Ms. Nora Aunor.

Nora & Kyline -BABSL

Last Friday, February 14, naganap ang first scene nila at pagtatapat ni Kyline, kinilig at na-starstruck siya.

“Ang naramdaman ko po nung first scene ko with Ms. Nora Aunor, ay kinabahan at kinilig ako,” kuwento ni Kyline. “Kapag kaharap ko po siya, parang normal lang ako pero kapag nakatalikod na siya, tinatapik-tapik ko ang shoulder ko. Nasabi ko nga kay Yasser (Marta, leading man niya sa serye), ‘kinikilig ako!’

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Then nung nakita kong parating na siya sa set at bago pa kami nag-block, kabado talaga ako. Kaya sabi ko ulit kay Yasser ‘kinikilig ako!’

“At totoo pala talaga, na-experienced ko na first hand na kapag tumingin ka sa mata niya, as in, parang mawawala ka talaga sa focus mo. Nawala talaga ako sa lines ko, legit! But I’m so happy and excited to have more scenes with her.

“Kasi iba rin naman pala siya talaga, kapag dumating siya sa set, in-character na agad siya. Hindi mo na siya makakausap as Ms. Nora Aunor kundi yung character na niya bilang si Cedes dela Cruz. And I’m so happy!”

Ang “Bilangin ang Bituin sa Langit” ay may world premiere sa Lunes, February 24, 4:20PM pagkatapos ng Prima Donnas.

Meanwhile, in-between ng taping ni Kyline, naisasabay niya ang rehearsals para sa guesting niya sa first Manila concert ng Japanese-based Korean singer na si Jang Hogyo titled Jang Hogyo Live sa Music Museum sa February 20. Makakasama ni Kyline ang Sexbomb Dancers, Yoowi Nakamura, Shekaina Valdehueza, at Ruru Madrid, sa direksyon ni Andrew de Real.

-NORA V. CALDERON