SI Aicelle Santos ay isa sa mga hurado ng GMA 7 sa new reality talent search. Centerstage at inamin niyang hindi ito madali dahil mga bata ang kasali.

Aicelle

Careful siya sa pagko-comment dahil ayaw niyang ma-trauma ang mga contestants at hindi na sumali sa ibang paligsahan. She encourage them at kung matalo man ay hindi ito katapusan ng kanilang singing career. Aicelle talks from experience. Natalo siya sa pagsali noon sa Star in a Million at nakabawi ng sumali sa Pinoy Pop Superstar. Hindi siya sumuko at lalong nagpursigi. Ang kanyang payo is to keep on practicing to improve your voice at istilo sa pag-awit.

Gumawa ng pangalan si Aicelle ng lumabas sa Rak Of Aegis, at Himala, The Musical. Internationally ay gumanap siya bilang Gigi sa Miss Saigon.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Ang dalawa pang judges ng Centerstage ay sina Pops Fernandez at musical director Mel Villena. First time para kay Pops ng maging hurado in a reality show at nangakong she will be kind sa mga contestants.

“I want them to relax, enjoy at makipag-kaibigan sa ibang contestants kahit alam nilang isa itong kumpetisyon.”

Happy si Pops na makatrabaho ang main host Alden Richards.

“Mabait talaga siya at mapagkumbaba sa kabila ng tagumpay,” papuring wika ni Pops.

-REMY UMEREZ