NAKAKAKILIG ang caption ni Juancho Trivino na “My wife” sa photo nila ni Joyce Pring pagkatapos ng kasal nila ni Joyce nitong Sunday, February 9. Ginanap ang kasala ng dalawa sa garden sa likod ng Sofitel Philippine Plaza facing Manila Bay at sa Sofitel na rin ang reception.

Joyce at Juancho

Sa napanood naming video, kabilang sa ninong sina Mike Enriquez at Arnold Clavio at isa sa mga ninang si Dr. Vickie Belo. Aliw ang first dance ng mga bagong kasal dahil halatang hindi marunong sumayaw si Juancho. Ang song na Can’t Take My Eyes ang tugtog sa first dance nina Juancho at Joyce.

Nasunod pa rin ang gusto nina Juancho at Joyce na garden wedding ang kanilang kasal, hindi nga lang sa Tagaytay City na original choice nila ng venue dahil sa Taal volcano eruption. Naitago ng mag-asawa ang date at venue ng kanilang kasal at kami nga, nalaman lang noong Friday, Feb. 7.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ang galing kasing umiwas ni Juancho at noong makausap nga namin sa taping ng Madrasta, very careful sa kanyang mga sagot nang tanungin sa wedding date at venue. Malalaman lang na malapit na dahil binigyan siya ng bachelor’s party ng mga kaibigan.

Dumalo sa wedding nina Juancho at Joyce ang mga kasama na sina Gladys Reyes, Phytos Ramirez at Thea Tolentino. Wala sa kasal ang leading lady ni Juancho na si Arra San Agustin. May iba bang lakad si Arra o baka hindi imbitado na nakakagulat naman.

Anyway, two weeks na lang at magtatapos na ang Madrasta, sa Feb. 21, na ang finale at pagkatapos na siguro ng last taping day sila puwedeng mag-honeymoon ni Joyce.

Sa Afternoon Prime ng GMA-7, buntis ang asawa ni Sean (Juancho) na si Audrey (Arra). In real life, magsisimula pa lang magkaroon ng pamilya sina Juancho at Joyce.

-NITZ MIRALLES