"WE Love You, Anne!” ito ang IG post ng Viva Entertainment, Inc. na ang tinutukoy ay ang artist nilang si Anne Curtis Smith-Heussaff.

Anne

Isa kasi si Anne sa matagal na nilang contract star at nanatiling loyal sa kanila simula nu’ng mag-umpisa ito ng kanyang showbiz career.

Tanda namin noong baguhan palang si Anne ay nakita namin siya kasama ang mommy sa isang salon noon sa Greenbelt, Makati para magpagupit dahil pupunta sila sa opisina ng Viva na sa pagkakatanda namin ay nasa E.Rodriguez Avenue, Quezon City pa sa harap ng Christ the King Church.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Anyway, nag-post si Anne sa kanyang IG account ng lumang video clip na dalaginding palang siya noon.

Ang caption ay, “I’ve been with my Viva Family since the age of 12 (yes, since Princess Dahlia in Magic Kingdom ?) & this year I’ll be celebrating my 23rd year in the industry and with Viva who have become my family. A story I’ll never forget my dad telling me is when he met Boss Vic, he had told my dad, it will take time, years perhaps, but I will make your daughter a star in this industry.... and he kept his word to both my parents. I will forever be grateful that they took the chance and believed in me.

“23 years have gone by and here I still am making films and still in the industry and field of art I have grown to love. Although I am taking a little break now, I’ll always be a Viva Teen, Leading Lady and now Mama. Sending light and love to my Viva Family whom I know have been feeling down lately. Love you all. @viva_ent @vivaartistsagency @veroniquecorpus @mamagrace314

Isa lang si Anne sa mga artist ng Viva na vocal sa pagpapasalamat sa nagawa sa kanya. Ang ibang artistang tumanaw rin ng utang na loob ay sina Sharon Cuneta, Regine Velasquez at kamakailan nga ay si Senatong Bong Revilla, Jr. ay nagpahayag ding lumilingo siya sa kay Boss Vic del Rosario dahil sila ang nag-produce ng unang pelikula nitong Dugong Buhay,1983.

Sa post naman ng Viva na nagpapasalamat sila kay Anne ay maraming negatibong komento kaming nabasa mula sa netizens na halatang may pinatatamaan, ang tagal na ng aktres sa Viva bakit ngayon lang pinost na mahal nila ang aktres, at paborito pa.

Kunektado na naman ito sa isyu ni Nadine Lustre sa Viva na sinabing iniwan na niya at hindi na ang kumpanya ni boss Vic ang nagma-manage ng karera niya.

Tulad ng nasulat namin dito sa Balita kamakailan na isa-isang hinimay ng Viva ang mga nagawa nila kay Nadine at mananatiling sila pa rin ang namamahala hanggang matapos ang kontrata nito sa 2029 o 9 years’ pa, maliban kung i-buy out ng aktres ang kontrata.

As of this writing ay tahimik na ang magkabilang kampo (Nadine at Viva) at marahil ay internal na nila itong inaayos.

Going back to Anne ay trending naman ang video post nitong sumasayaw sa kanyang Twitter account mula sa awitin ni Justine Bieber na Yummy

-REGGEE BONOAN