PAGKATAPOS umani ng tagumpay si Maja Salvador sa ginampanan niyang role sa The Killer Bride of ABS-CBNTV series ay rampa to the max naman siya with matching Carlos Agassi and Gloc 9 on the side sa katatapos lang na fashion event ng Guitar Apparel nito lang nakaraang Sabado sa activity center ng Midtown Robinsons Place as she continues partnership and remains as the official face of trusted local clothing Brand Guitar Apparel.

mAJA

Rampa siya that day like a beauty queen na puwede niyang talbugan ang lava walk ni Catriona Gray at ang mala-fashion sidewalk ek ni Super Tekla kung saan tilian ang mga utaw na andudun tas sing and dance pa siya na lalong lumakas ang tilian ng kanyang mga faneys and supporters hanggang sa 4th floor ng Robinsons Place Atrium, Midtown. Sabi nga, she’s a girl on fire that day, talbog ang Corona Virus coz halos lahat dun ay naka-face mask.

Yes, Sir! And in pernes, no.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Thank you…thank you sa inyong lahat and of course sa aming Guitar Apparel family…I am very happy dahil ni-renew nila ang aking pagiging brand endorser na nag-start since last year pa. So super glad ako ngayong 2020. Maraming salamat po.

“Nung bata pa talaga ako…sinasabi ko na I wanna be a super model pero hindi na kasi ako tumangkad ng todo. Pero sa pag-rampa ko kanina parang naging 5’10 ang feeling ko sa salamat sa ganu’ng experienced.” Masayang sabi nang nag-iisang Maja Salvador ng Pinas showbiz.

K,noted. At kung kelan naman siya magiging Killer Bride, este, Bride in real life ay malalaman din daw naman natin yon sooner than soon at dehins nila itatago ng kanyang fiancée. Yesss, Sir, may ganernn!

-MERCY LEJARDE