Walang binanggit sa amin ang aming source na kaya papalitan na ang programa ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice ay dahil sa pagbaba ng ratings nito, ang sabi lang sa amin, “it’a about time na baguhin na rin kasi 9 years na.”

vice

Yes kinumpirma ng staff ng bagong unit na hahawak sa bagong programa ni Vice na Everybody Sing at sa Marso na ito sisimulan.

Sabi ng kausap namin, “Wala pang official announcement pero oo kasi pini-preprod na tong Everybody Sing.”

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Tinanong namin kung bakit bagong unit ang hahawak bakit hindi ‘yung dati na nakasanayan na ni Vice? Kapag bago kasi ay panibagong pakikisama na naman ito.

“Para fresh ideas lahat kita mo na ng It’s Showtime ilang beses ding nagpalit ng unit. Nanonood ka ba, kakaiba na ang ibang segment. Kasi kung magtatayo ka ng bagong show, dapat bago rin lahat ang staff para bago ang inputs hindi ‘yung dati na siyempre walang gaanong babaguhin kasi nakasanayan na,” katwiran ng kasama sa production ng bagong programa ng TV host/actor.

Base naman sa pinost na IGstories ni Vice na Everybody Sing ay tila nasa labas siya ng studio at ordinaryong tao ang bida sa programa niya.

Ang wish ng Kapamilya viewers at fans ni Vice na hindi celebrities ang contestants sa Everybody Sing para mas maganda at mas exciting.

AS of today, wala pang kumpirmasyon kung sinu-sino ang makakasama ni Vice sa Everybody Sing.

Abangan ngayong Marso ang Everybody Sing

-REGGEE BONOAN, ADOR V. SALUTA

at NITZ MIRALLES