MAY rason maging sobrang proud si Marian Rivera sa asawang si Dingdong Dantes dahil hindi na lang Marine reservist ang aktor, Navy reservist na rin ito at may ranggo na Lieutenant Commander.

Dingdong at Marian

Si Marian ang nag-post ng graduation ni Dingdong at ang caption ay “Lieutenant Commander Jose Sixto G. Dantes III PN (Res). Super proud of you my husband... Salute!”

Present ang parents at dalawang sisters ni Dingdong sa ceremony at siguradong ang pinakamasaya sa lahat ay ang father ni Dingdong na isa ring Navy at retired na ngayon.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Dapat alam ito ng bashers para sa susunod na makita nilang nakasuot ng Philippine Navy uniform si Dingdong, hindi sila mag-react at i-bash ang aktor. Nang makita kasi siyang naka-Philippine Marine uniform nang mag-distribute ng relief goods sa Balayan, Batangas.

Sa Descendants of the Sun, member ng Philippine Army si Dingdong, kaya Phil. Army ang uniform niya. O, di ba, bongga si Dingdong dahil sa DOTS, Philippine Army siya, in real life, Philippine Navy at Philippine Marine reservist siya.

Anyway, sa February 10 na ang pilot ng DOTS, panay na ang promote ng cast at last Sunday, nasa Iloilo sila. Nauna na silang nag-promote sa Cebu.

-NITZ MIRALLES