Dear Manay Gina,

Almost perfect na sana ang relasyon namin ng aking boyfriend kung magkapareho kami ng pananampalataya. Nagmamahalan kami at magkasundo sa maraming bagay.

Pati ang kanyang magulang ay botong-boto sa akin. Ang tangi naming problema ay ang aking ina, na tutol sa aking katipan dahil iba ang kanyang relihiyon. Kung ang aking ina ang masusunod, mas nais niya na magpakasal ako sa isang lalaki na ka-relihiyon. Ngayon ay balak na naming magpakasal, pero hindi ko alam kung paano ito sasabihin sa aking ina.

Pinky

Dear Pinky,

Ipaliwanag mo ang bagay na ito sa ‘yong ina, kagaya ng ginawa mong pagpapaliwanag sa akin. Bilang magulang, sigurado akong mauunawaan ka n’ya. After all, mothers only wish the best for their daughters.

Gayunman, ipanalangin n’yo ang pagkakaroon n’yo ng magkaibang relihiyon. Pag-usapan n’yo kung paano pag-uugnayin ang dalawang paniniwala sa pamilyang bubuuin. Kapag magkatulad ang inyong paniniwala, lahat ng suliranin ay makakaya n’yong tawirin. You and your boyfriend should think about this seriously.

Nagmamahal,

Manay Gina

“The noblest pleasure is the joy of understanding.”—Leonardo Da Vinci

Ipadala ang tanong sa dearmanaygina@yahoo. com

-Gina de Venecia