AFTER matapos ng seryeng The Killer Bride, hindi nakalimutang pasalamatan ni Janella Salvador sa kanyang co-actor na si Joshua Garcia, na talaga namang nakitaan ng matinding chemistry ang kanilang loveteam.

Joshua at Janella

Sa Instagram post, pinasalamatan ng aktres si Joshua sa matagumpay nilang pagsasama sa nasabing proyekto.

“Thank you for being such a wonderful leading man. You are absolutely talented and you deserve all the recognition and praises you are receiving,” pahayag ni Janella.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

“I’m glad I found a friend in you— one that is so much like me. Keep shining. PS thank [you] for feeding me all the time,” pagtatapos ni Janella.

Nagkomento naman si Joshua sa post ng aktres na sinabing,”Thank you. Miss ko na kayo. Ingatan mo sarili mo palagi, hanggang sa susunod na project.”

Samantala, hindi naman nakawala sa panunukso ng kanilang co-star na si Maja Salvador ang dalawa.

Sa post ni Maja sa IG,“Elias salamat sa pagmamahal mo ng wagas kay Emma. Sabi nga nila sana all... Ito ang pinost kong picture dahil ito ang pinakamasayang araw mo at pinaka gwapong ngiti mo! Lelz #Presidenti.”

-ADOR V. SALUTA