THANKFUL si Barbie Forteza sa mataas na ratings ng episode nila ni Dennis Trillo sa Daig Kayo ng Lola Ko na Sa Ilalim ng Buwan. Mula sa pilot episode hanggang sa third, episode panalo sila sa ratings, kaya naman masaya ang buong productions.

Dennis & Barbie Sa Ilalim ng Buwan

Hindi kaya senyales na ito na pagtambalin sina Barbie at Dennis sa teleserye at siguradong susuportahan ng Kapuso viewers at mataas din tiyak ang rating kung sakali.

Anyway, simula January 27, muling mapapanood si Barbie sa primetime slot ng GMA-7 dahil sa Monday na ang pilot ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday na pinagbibidahan nila ni Kate Valdez, bilang magkapatid na hindi magkakilala.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Kasama nina Barbie at Kate na bida sa Anak ni Waray vs. Anak ni Biday sina Snooky Serna at Dina Bonnevie na gumaganap na ina nina Barbie at Kate respectively. Kasama rin sina Jay Manalo, Teresa Loyzaga, Migo Adecer, Faith de Silva at Ms. Celia Rodriguez. May special participation sina Max Collins as the young Snooky, Lovi Poe as the young Dina at Jason Abalos as the young Jay.

Marami ang makaka-relate sa roles nina Barbie at Kate bilang vloggers dahil usung-uso ito ngayon at pati nga celebrities, naging vlogger na rin.

Nag-taping din sina Barbie, Kate at Max sa Tacloban. Sa Ilocos Norte naman nag-taping sina Barbie, Kate at Lovi. Ipapakit a ang tourist spots sa mga nasabing lugar, isa pa sa mga rason why do you have to watch Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Dahil pala sa rater ang mga show ni Barbie sa GMA-7, tinawag siyang “Primetime Princess” na sigurado namang walang kokontra sa talents ng network dahil totoo.

“My heart is very happy. After a decade with GMA Network, I am finally proud to say that I AM the Kapuso Primetime Princess.”

-Nitz Miralles