SA wakas, natupad na rin ang isa sa mga nakaplanong project na pasasamahan ng teen king Daniel Padilla at ang Kapamilya executive na si Ms. Charo Santos sa pamamagitan ng pelikulang Whether the Weather is Fine. Ang unang pelikula ni Daniel kasama ang veteran actress.

Daniel

Paglalarawan ni Daniel kay mam Charo,“Napakahusay na aktor,”.

“Kapag may katrabaho kang magaling na aktor, ang sarap magbato ng eksena. Nagtutulungan kayo. I am very thankful, blessed, and very humble na nakatrabaho ko si Ma’am Charo,” pasasalamat pa ni Daniel.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Sa pagbabahagi ng aktor, naging inspirasyon ng Whether the Weather is Fine ang naging pananalasa ng bagyong Yolanda sa Pilipinas noong 2013.

“Whether the Weather is Fine is with Ma’am Charo. It’s about Yolanda. Pero wala pa talaga tayong date kung kalian siya ipapalabas. Sana abangan natin lahat yung mga pelikulang ginagawa naming lahat kasi it’s really different.”

Bagong grupo at bagong experience ang kanya, aniyang natutunan mula sa mga bumubuo ng pelikula.

“It’s something new para sa akin. New production din kasi it’s not really from ABS-CBN or Star Cinema. Iba rin yung karga, iba yung....” saad pa ni Daniel.

-ADOR V. SALUTA