KASABAY nang selebrasyon ng kaarawan ng aktres/vlogger na si Cathy/Alex Gonzaga ang pag-anunsiyong engaged na sila ng boyfriend niyang si Mikee Morada.

Mikee at Alex

Ginanap ang 32st birthday celebration ni Alex sa Sofitel Philippine Plaza Manila kasama ang kanilang mga pamilya at mga kaibigan.

Base sa video nan a-post ay kumakanta ng Happy Birthday ang lahat at pagkatapos i-blow ni Alex ang cake ay may isa pang cake na inabot ang boyfriend niya at hinipan din ito at sabay sabing, “I’m engaged”! Humirit din si Mikee ng, “We’re engaged.” Sabay focus sa diamond ring na suot ng dalaga.

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

Kitang-kita na natuwa ang lahat at maging ang ate Toni Gonzaga-Soriano na karga-karga si Seve ay natutuwa rin.

Caption ni Alex sa pinost niyang suot niya ang diamond ring, ““Thank you for all your birthday greetings! I feel LOVED. Thank you Jesus! Vlog tomorrow.”

Matatandaang si Piolo Pascual ang nagpakilala sa dalawa dahil ni-request ni Mikee na ipakilala siya kay Alex dahil matagal na niyang crush ang dalaga.

-Reggee Bonoan