MAGIGING aktibo na ulit sa showbiz si Julia Montes pagkatapos nang mahigit isang taong bakasyon.

julia montes (1)

Nag-post ang Cornerstone handler ni Julia na si Mac Merla ng litrato ng dalaga sa kanilang opisina na may caption, “Welcome Home, Julia Montes #Soon.”

Kaagad kaming nagpadala ng mensahe kay Mac na kung puwedeng makapanayam ang aktres at kaagad kaming sinagot ng, “soon po.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Matatandaan na last quarter ng 2018 ay nagbakasyon sa Germany si Julia para dalawin ang amang si Martin Schnittka at ang sabi ay doon lang siya magpa-Pasko at Bagong Taon, pero inabot ng ilang buwan ang aktres sa nasabing bansa at sinabing nag-extend ang bakasyon nito dahil sobrang na-miss ang ama at gustong maka-bonding na rin ang kapatid nitong lalaki.

Nagkaroon na ng espekulasyong nasa interesting stage si Julia bagay na hindi rin alam ng kanyang management company dahil sa tuwing nagtatanong kami ay iisa ang sagot sa amin, “wala po kaming alam, walang sinasabi sa amin at hindi naman kami nagtatanong din unless siya ang mag-open.”

Hanggang sa bumalik na ng bansa ang dalaga na inakala ng kanyang loyal supporters ay mapapanood na ulit nila si Julia sa teleserye pero bigo sila dahil itinuloy na nito ang mahabang bakasyon. Kaya laking tuwa ng fans nang may mag-post na nakitang namimili sa isang grocery sa San Juan City ang aktres.

Anyway, bandang 10PM nitong Miyerkules ay nag-post ang Cornerstone honcho na si Erickson Raymundo ng litrato nila ni Julia, “Welcome back @montesjulia08! 2020 will be a busy year for you and I can’t wait to share all the projects lined up for you. Exciting months ahead!”

In fairness, huh, kahit matagal na nawala si Julia sa showbiz ang dami niyang offers at hinihintay lang ang pagbalik niya.

Kami rin dito sa Balita, welcome back, Julia!

-Reggee Bonoan