HAPPY ang pasok ng year 2020 sa Kapuso young actress na si Bianca Umali. Matapos i-offer sa kanya ng HBO Asia na magbida sa Season 3 ng Halfworlds, magsisimula na siyang mag-taping nito. Ididirek ni Mikhail Red ang “Halfworlds,” a dark action fantasy series. Produced ito ng HBO Asia in partnership with Cignal TV at magsisimula na sila ng taping ng eight-part season this month.

Bianca

Gagampanan ni Bianca ang role ng isang half-human and half-Engkanto na maghahanap ng isang halaman na makakagamot sa mga Engkanto na uhaw sa human flesh. Ang halamang ito ay pag-aawayan ng Engkanto tribes.

Ayon sa media release ng HBO Asia, ang third season ng “Halfworlds” ay isu-shoot sa “neon streets of Bangkok to the gun-stricken streets of Manila, where thirsty mythical creatures known as Engkantos live out in the open amongst humans.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Makakasama ni Bianca, playing the lead roles, si Sam Concepcion. Babalik din sa third season ang ilang cast na napanood na sa previous seasons, at isu-shoot ang kabuuan nito sa Pilipinas.

Ang “Halfworlds” ang longest-running original series na napanood simula pa noong November 29, 2015. Tumanggap na sila ng awards mula sa Asian TV Awards in 2016 at sa Apollo Awards in 2016 and 2017.

Kaya ngayon pa lamang magiging busy na si Bianca at excited na rin ang mga fans niya na mapanood ang “Halfworlds” na susundan din ng bago niyang teleserye na sisimulan sa GMA Network.

-NORA V. CALDERON