BALIK Katipunan si Dave Ildefonso.

ILDEFONSO: Blue Eagle ulit.

ILDEFONSO: Blue Eagle ulit.

Pormal na ipinahayag ng 21-anyos at dating National junior player ang pagbabalik sa Ateneo de Manila matapos ang dalawang taong paglalaro sa National University Bulldogs.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ng 6-foot-3 swingman na nais niyang tapusin ang collegiate career bilang Blue Eagles. Dating miyembro ng Blue Eaglets si Ildefionso bago lumipat sa NU sa college matapos ma-appoint ang kanyang ama na si dating PBA star Danny Ildefonso sa coaching staff. Napatalsik ito kamakailan matapos ang pagbabago sa programa ng NU.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa NU, naitala ni Ildefonso ang averaged 16.2 points, 2.3 rebounds,  and 2.5 assists. Subalit bigo siyang gabayan ang Bulldogs sa Final Four.

Kailangan niyang magpahinga ng isang season bago muling makalaro batay sa regulasyon ng liga. Makakasama niya sa Ateneo ang mga dating high school teammates na sina SJ Belangel at Jason Credo.