MARAMING fans ang dismayado sa balitang ‘ d i matutuloy ngayong taon ang tambalang Piolo Pascual at Claudine Barretto. Maraming n a k a l i n y a n g projects for 2020 ang aktor .Isa pa sa idinadahilan ni Piolo ay ang tamang kuwento at tamang pagkakataon para matuloy na ang balik-tambalan nila ni Claudine.

Claudine Piolo

Una nang sinabi ni Piolo na magpo-focus muna siya sa ibang proyektong inilaan sa kanya ng ABS-CBN ..

“I’m so excited because it’s something new, it’s something that ABS-CBN hasn’t done before and something new for me. It’s going to be a new experience, it will begin in couple of weeks from now,” sey ng aktor.

Beauty Gonzalez, sinita sa paraan ng paghiwa ng kalabasa

“Meron akong mga pelikula but we are transitioning so we want to time it well specially with what we’ve done through the years and we’re celebrating 10 years of Spring Films,” sey pa ng aktor..

Ibinahagi rin ni Piolo na kabilang ang movie nila ni Alessandra de Rossi sa mga proyektong kanyang unang tinapos para ipalabas sa taong ito..

“We want to be able to time our films better but I’ve already finished two films last year, one with Brillante Mendoza and another is with Alessandra De Rossi.”

“And I’ll be doing another film with Star Cinema and there projects still lined up, but depending on the availability,” sey ni Piolo.

S a n a s a b i ring panayam, nagpahayag rin si Piolo kung bakit hindi matuloy-tuloy ang matagal-tagal na ring balik tambalan nila ng aktres na si Judy Ann Santos.

Matatandaan na inamin ni Judy Ann sa panayam noon ng PUSH na siya ang rason kung bakit hindi matutuloy ang samahan nila sa pelikula.

“I’m always been open.” Aniya sa balik tambalang Piolo-Juday. Sey pa ng aktor,” You know ever since,we’re just waiting for the perfect timing, for the right project like what Juday said, right project, right story kasi it’s more than 10 years.”

Kaya’t kanyang pahabol. “So sana,(isang) magandang story, para naman hindi masayang(yung paghihintay), sana makapag-trabaho kami ulit,” asam pa ni Piolo.

“Same thing with Clau [palayaw ni Claudine] we’re just waiting for the right timing, script and schedule,” dagdag pa ng aktor.

Ang huling tambalang Piolo-Claudine ay sa Milan noong 2004 at sa direksiyon ni Direk Cathy Garcia-Molina. Kung matutuloy ang ang balik-tambalang Piolo-Claudine, balitang si Direk Cathy din ang hahawak ng nasabing pelikula at magsisilbing reunion ito ng tatlo.

-ADOR V. SALUTA