Sa San Francisco, binitiwan ng Golden State Warriors si forward Marquese Chriss nitong Martes (Miyerkoles sa Manila) para bigyan daan ang paglagda ng kontrata ni Damion Lee para sa nalalabing araw ng season.
Huling araw ni Lee bilang two-way contract player sa Santa Cruz Warriors ng G League.
Nagpaalam ang 22-anyos sa Dub Nations tangan ang averaged 7.4 points, 5.4 rebounds at 19 assists.