PATUNGONG Brazil ngayong araw si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach para sa Mega Magazine. Makakasama kaya niya ang lalaking nali-link sa kanya na si boyfriend niya Jeremy Jauncey? In fairness super-bagay sila as in.

Pia

Matatandaang noong Disyembre 6 lang i-anunsiyo ni Pia na pormal na silang naghiwalay ng ex-boyfriend niyang si Marlon Stockinger pagkalipas nang tatlong taong relasyon away-bati. Pero Oktubre 2019 pa nagkakalabuan na ang dalawa at pilit namang inaayos pero hindi na nangyari kaya.

At heto pagpasok palang ng Enero 2020 ay bumulaga na kaagad na may nali-link na kaagad kay Pia.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Base naman sa mga nakita naming post sa IG ay parang hindi lang magkaibigan na ang dalawa parang may namamagitan na sa dalawa at hihintayin na lang namin kung kailan aaminin ito ni Pia.

Bigatin si Jeremy Jauncey dahil sa edad na 34 marami na siyang achievement at siya ang founder at CEO ng social media-savvy creative agency Beautiful Destinations na may kinalaman sa hotels tulad ng Hilton at Marriott, may kinalaman din ang binata sa Turismo ng Pilipinas at bansang Ireland. Dati rin siyang rugby player ng Scotland, travel editor-at-large ng Asia Tatler at naging Bench model noong 2017. Hmm, tiyak isa ito sa mga nagustuhan ni Pia kay Jeremy.

Anyway, sa darating na Pebrero ay lilipad naman pa-Chicago si Pia for NBA All-Stars bilang kinatawan ng Pilipinas. Totoo nga ang sabi ng dalaga nu’ng huling makausap namin sa launching ng DeluxeHome sa MC Depot sa BGC noong Nobyembre 2019 na punumpuno ang kalendaryo niya ng 2020.

Mabuti na lang at hindi pa nagre-resume ang shooting ng pelikula nina Pia at Vhong Navarro dahil may inaayos sa script.

Going back to Pia ay hinihintay rin niya ang tawag sa kanya para simulan na ang offer na talagang ikagugulat ng lahat.

-Reggee Bonoan