NO doubt, back in his element si William Martinez.Makulit, mabiro at makuwento na walang preno ang bibig nang mainterbyu namin last Friday si William sa grand press launch ng Mia na pinagbibidahan nina Coleen Garcia at Edgar Allan Guzman, sa direksiyon ni Veronica Velasco.

20200103_133848

Ipinagmamalaki ni William na ang role niya sa Mia ang pinakamalaking papel na ipinagkatiwala sa kanya simula nang ma-stroke siya ten years ago.

Naghiwalay noong 2007 sina William at Yayo Aguila, na co-star niya sa Mia. Nagkasunud-sunod ang mga problema ni William pagkatapos ng hiwalayan, kasama ang kontrobersiyal na pagkakaaresto sa kanya dahil sa droga na nilinaw niyang naipanalo niya sa korte dahil na-set-up lang siya, at ang pagkakaholdap sa kanya noong November 2010. Tinamaan si William ng depression at na-stroke, pero naka-recover na after five years -- sa malaking tulong ng Ang Dating Daan na inaniban niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Lahat ng roles na ginampanan ko simulang nagkasakit ako maliliit lang, kapi-kapiraso lang, karamihan wala akong dialog,” kuwento ng sikat na matinee idol noong 80s. “Pagkatapos kasi ng stroke ko, matagal akong ‘di makapagsalita at para bang bumagal din ang pag-intindi ko.”

Matagal siyang nag-hibernate sa showbiz, at pagbalik niya, napakarami nang bagong artista na hindi siya kilala at hindi rin niya kilala.

Although bumilib siya kay Aljur Abrenica na buong respetong bumati sa kanya.

Natitigilan siya sa malaking pagbabago ng mga kakilala niyang artista.

“Nang makita ko sa telebisyon si Maricel (Soriano, naging ka-love team niya noong kabataan nila), sabi ko, hindi masama ang meaning, sa mind ko lang, mukhang matrona si Maricel.

“Tumanda na kami. Lahat kami, eh. Totoo naman. It’s true, di ba?”Nang makita nga rin daw niya si Dina Bonnevie na nakapanabayan din nila, tinanong niya kung nadagdagan ang timbang nito.

Napahalakhak lang daw si Dina.Bagamat si Maricel Soriano ang palagi niyang katambal sa mga pelikula noong 80s, ini-reveal ni William na mas malapit siya kay Snooky Serna na girlfriend ngayon ni Mon Villarama, ang best friend niyang si dating vice governor ng Bulacan.

Pero noong loveless pa raw si Snooky, naghimutok sa kanya, at nagyaya ng lunch, sinabihan niya ng, “Manigas ka!”

Malaki ang pasasalamat ni William na binigyan siya ng malaki-laking role sa Mia. Hindi lang daw siya raring to work kundi roaring!Abangan ang mall shows ng Mia sa Sta. Luc, SM Dasmariñas (Enero 11), at Fisher Mall Malabon & Quezon Avenue (Enero 12).

Gaganapin ang National Mia Day sa Enero 13 sa SM Megamall.Kasama rin nina Coleen, Edgar, Yayo at William sa cast sina Billy Crawford, Star Orjaliza, Jeremy Domingo, Sunshine Teodoro, Pau Benitez at Xenia Barrameda ng Mia, na produced ng Insight 360 ni Chris Cahilig at distributed ng Viva Films. Showing na ang Mia sa Enero 15.

-DINDO M. BALARES