MARAMING nagtatanong na netizens kung isa na ring Kapuso ang maganda at mahusay na actress, si Alice Dixson. Nagsimula kasing mag-appear si Alice as guest sa Madrasta bilang si Angelina dela Cruz, model-actress na tumulong kay Audrey (Arra San Agustin) nang tanggapin niyang mag-endorse ng rejuvenation clinic ni Sean (Juancho Trivino) at ilang araw din siyang napanood sa Afternoon Prime series.

Sumunod pumasok na guest si Alice sa primetime telebabad na Beautiful Justice na kung gaano siya ka-sweet sa “Madrasta,” dito ay head siya ng drug syndicate bilang si Black Rose” at ewan kung bakit galit-na-galit siya sa isa pang head ng drug syndicate, si Ninang (Bing Loyzaga) at ibibigay niya kahit magkano, mapatay lamang siya ng tao niyang si Miranda (Valeen Montenegro). Napapanood pa rito gabi-gabi si Alice.

Pero ang mas pinansin ng mga netizens ay nang mag-appear si Alice last Saturday sa Magpakailanman ni Mel Tiangco sa Christmas episode na “Paskong Malamig Ang Puso” na gumanap si Alice bilang si Grace na hindi nagkaasawa hanggang tumandang dalaga, pero patuloy na naghihintay sa lalaking mapapangasawa niya.

Comment nga ng isang netizen si @ lawma4 lalong gumanda siya sa GMA.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ang ganda kasi ni Alice na nagsimula ang story noong lampas na siya sa teenage year at kita ang transition ng beauty niya hanggang sa tumanda siyang dalaga pero beauty pa rin. Napansin din ng mga netizens si Ms. Tessie Tomas na parang hindi rin tumanda, na gumanap na nanay ni Grace, at isa pang tanong ng mga netizens, balik-GMA na ba ulit si director Bb. Joyce Bernal na siyang nagdirek ng “Magpakailanman.”

Matagal na kasing huminto sa pagdidirek si Bb. Joyce dahil gusto na raw niyang mag-produce na lamang ng movies, kasama ang partners niyang sina Piolo Pascual at Erickson Raymundo sa kanilang Springfilms Productions. Itatanong natin ito sa GMA Network.

-NORA V. CALDERON