AFTER eight months of giving birth sa second baby nila ng husband na si Dingdong Dantes, ipinakita na muli ni Marian ang kanyang magandang katawan sa Instagram post niya last Sunday, December 29.

Marian Villa Angelina Luxury Suites

“Getting my dose of vitamin sun before the year ends,” caption ni Marian sa photo niya.

Hindi pa nga nagtagal nai-post ang photo sunud-sunod na ang pag-like at pag-comment sa picture, at as of this writing, umaabot na ito sa more than 600,000 likes at almost 3,000 comments. Mga unang comments ay mula kina Jillian Ward, Aiko Melendez, Chynna Ortaleza, Ryzza Mae Dizon, Joyce Ching, Sheena Halili, Krystal Reyes, Jessy Mendiola, Nadine Samonte, at marami pang iba.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Nasa Villa Angelina Luxury Suites sa Dakak Park and Beach Resort sa Dapitan City, ang mag-anak na Dantes, kasama ang panganay nilang si Zia at bunsong si Ziggy. Kasama ang buong pamilya at mga close friends, doon sila nag-celebrate ng 5th wedding anniversary nina Dingdong at Marian, kahapon, December 30.

Sa mga Instagram stories posted ni Dingdong, nakita roon na sumasayaw si Zia ng sayaw doon sa island, mayroon pang fire dance, at kita mo ang masayang celebration.

Maaaring pauwi na ngayong araw na ito, December 31 ang buong pamilya dahil sa bahay na nila sila sasalubong sa Bagong Taon mamayang midnight, na nakaugalian na nilang gawin.

-Nora V. Calderon