ISA sa mainit na showbiz happenings na pinagpistahan ngayong 2019 ay ang breakup nina Gerald Anderson at Bea Alonzo which involved a third party. Nagmistula itong isang teleserye na inabangan ang bawat kilos ng mga personalities na sangkot.

GERALD

Sa isang panayam ay naghayag ng saloobin ang aktor who was name Ambassador for Youth In Public Service, a post na huling ginampanan ni Dingdong Dantes.

“Nakakalungkot dahil masyado itong pinalaki making it appear na parang a national issue gayong mas maraming mabibigat na problema meron ang bansa which they can focus on.”

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Sa kainitan ng kontrobersiya ay na-realize ni Gerald ang mga tunay niyang kaibigan who text at nagbigay ng suporta. The actor has moved on channeling all his energies sa sports tulad ng basketball.

Trabaho at wala munang lovelife ang tutukan ng actor pagpasok ng 2020. Sa Enero ay sisimulan niya ang new TV series, ang A Soldiers Hearts kasama si Carlo Aquino.

Maraming advocacies si Gerald tulad ng pagtulong sa mga sundalo na malapit sa kanyang puso (his father Gerald Anderson Sr. was a former 2nd lieutenant in the U.S. Navy) at magagandang hakbang para sa larangan ng sports.

-REMY UMEREZ