BAKASYONG grande muna si Kapuso tween star Kyline Alcantara ngayong Christmas. Sasamantalahin nga muna ng young actress ang Christmas break, na makasama ang kanyang pamilya sa bakasyon sa Ilocos. Bukod sa parents niya at dalawang kapatid, kasama rin nila ang lola at lolo niya sa mother side. Mula sa show ni Kyline sa SM Tarlac last Sunday evening, dumiretso na sila ng Laoag at pupunta rin sila ng Vigan.

Kyline Alcantara 122319

At least nakapahinga na si Kyline bago mag-start ang bagong GMA Sunday noontime show nila na All Out Sunday starting on January 5, 2020, with other Kapuso stars to be headed by Alden Richards.

Magsisimula na ring mag-taping si Kyline ng bago niyang Afternoon Prime drama series na Bilangin ang Bituin sa Langit with Superstar Nora Aunor and Mylene Dizon sa January, 2020. Excited na si Kyline na first time makakatrabaho ang dalawang mahuhusay na actress, sina Ms. Nora Aunor at Ms. Mylene.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Mukhang nagsimula nang mag-taping si Guy ng serye dahil may mga teaser nang ipinakikita ang GMA Network sa kanya.

Ang Bilangin Ang Bituin sa Langit ay kabilang sa bagong afternoon series ng GMA Network sa pagpasok ng 2020.

-Nora V. Calderon