ANG supportive ni Julia Montes kay Coco Martin, pinost nito ang photo ng aktor na nakasuot ng karakter niyang si Paloma sa MMFF entry ni Coco na 3Pol Trobol Huli Ka Balbon. Sinulatan niya ng caption na “Move over girls...PALOMA is here” at sinundan ng heart emoji” at may kasama pang paalala na showing ang nabanggit na pelikula starting December 25 at marami raw pasabog si Coco.

Coco

Hindi pa ‘yun, pati ang video ng pagpo-promote nina Edu Manzano, Sam Milby at John Prats ay pinost ni Julia. Pati nga picture ni Coco kasama sina Jennylyn Mercado at Ai-Ai delas Alas, pinost din ni Julia, pero walang caption.

Nakakalungkot lang na gusto lang naman ni Julia na tumulong sa promo ng movie ni Coco, pero may ibang tao na negative ang dating. Papansin daw si Julia kay Coco at kung anu-ano pang akusasyon.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

-NITZ MIRALLES