MAGSISILBING ispesyal na panauhin si Manila Mayor Isko Moreno sa pagbubukas ng 8th Philippine Secondary Schools Basketball Championship (PSSBC) Freego Cup ngayong araw na ito sa SGS gym sa Quezon City.
Inaasahang makapagbibigay ng inspirasyon at kaukulang pagganyak sa mga kabataang basketbolista na nangangarap na umabot sa PBA gaya ng kanilang mga idolo.
“I am sure the youthful exuberance of Mayor Moreno will give our young ballers another reason to dream big and work as hard as they can,” ani PSSBC Chairman at Freego boss Eduard Tio. “And we are greatly honored that the well-loved mayor has accepted our invitation despite his hectic schedule.”
Lahat ng 12 koponang kalahok sa pamumuno ng defending champion National University ay maglalaban-laban para sa titulo at premyong P50,000 para sa magkakampeon.
Kasama ni Tio, dadalo din sa opening ang iba pang Governors ng PSSBC na sina Dioceldo Sy ng Blackwater Sports, Jimi Lim ng IronCon Builders, Jimmy dela Cruz ng Jumbo Plastic Linoleum, Rudy Yu ng Macbeth Underwear, Dr. Cecilio Pedro ng Hapee Toothpaste, Leoncio Chua at Terry Que ng Poly Gloss-Rain or Shine.
Apat na laro ang nakatakda sa opening day tampok ang laban ng reigning NCAA champion San Beda University kontra Xavier School.
Ang iba pang mga koponang kalahok sa event na suportado ng Gerry’s Grill, Sumo GI Sheet, Cherrylume, Choi Garden at Molten ay ang FCAAF back-to-back champion Hope Christian High School, Chiang Kai Shek College, Far Eastern University, Ateneo, Adamson, La Consolacion College, La Salle Greenhills, Lyceum at San Sebastian College.
-Marivic Awitan