Dear Manay Gina,
Nagtapos ako last year, pero wala pa akong trabaho hanggang ngayon.
Minsan may nabasa akong ganito: “Discover your passions and you will know what you want in life.” Kaya ngayon, kung ano-ano ang aking sinusubukang gawin.
Dahil wala akong trabaho, pinag-aaralan ko ang ilang gawaing puwedeng pagkakitahan ,gaya ng pagluluto, candle making, pagre-recycle ng basura at iba pa. Kaya lang, hindi ko alam kung paano magsisimula dahil wala akong impormasyon, karanasan at puhunan para simulan anganumangproyekto.
Puwede bang bigyan n’yo ako ng ilang tip kung paano magsisimula ng negosyo? May alam ba kayong kumpanya o websites na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa iba’t ibang crafts? May mga agency bang nagbibigay ng libreng seminar tungkol sa mga bagay na ito?
CDO
Dear CDO,
Kailangang tuklasin mo kung ano talaga ang gusto mong gawin. You need to concentrate and focus on what your “passion” really is.
Magtanong ka sa mga kaibigan at tingnan mo rin sa internet ang mga website for Arts and Crafts or Small and Medium Enterprises o Business Opportunities, na nasa iyong komunidad o yung lugar na malapit sa ‘yo. Ang mga malalaman mong impormasyon ay magbibigay sa ‘yo ng ideya kung paano ka magsisimula ng isang negosyo.
Nagmamahal,
Manay Gina
“Flow with whatever is happening and let your mind be free.
Stay centered by accepting whatever you are doing. This is the ultimate.” –Chuang Tzu
Ipadala ang tanongsa [email protected]
-Gina de Venecia